Coffee and Dreams

— Made this some years ago. Found it on my old blog and decided to share it here. Plagiarism is a crime. So please do not re-post without giving credit. 🙂

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa’yo ngayon. Hindi ko naman kasi inaasahan na magkikita tayo. Nabigla talaga ako. Hindi ba halata? Eh halos lumuwa na nga mata ko at malaglag ang panga ko sa lupa nung magkasalubong tayo sa corridor ng opisina ko. Kung nagulat ka rin, hindi ko ‘yon nahalata. Ang laki kasi ng ngiti mo at ang ganda ng bati mo sa’kin.

“Hi! Kumusta ka na? Dito ka ba nagtatrabaho? Long time, no see ah!” Makalipas ang sampung taon, nahimasmasan din ako at nakasagot, “Ah eh, oo dito nga ako nagtatrabaho. Ikaw, ano’ng ginagawa mo dito?” “Eto nagaapply. Nagresign na kasi ako sa dati kong pinapasukan.”

At talagang hindi ko inaasahan ang susunod mong sinabi, “Busy ka ba? Coffee tayo sa baba. Do’n na lang tayo magkwentuhan.” At mas lalung hindi ko inaasahan ang naging sagot ko, “Sure! Libre mo ‘ko ha!” Natawa ka pero pumayag ka naman na ilibre ako.

Dang! Bakit pa kasi ako pumayag? At nagpalibre pa ‘ko eh unemployed ka nga. At baka sabihin mo sinisingil kita sa mga utang mo dati at sa mga panahong lagi kitang nililibre noon. Hai.

Ayan na nga, nasa harap na kita ngayon matapos ang matagal na panahon. Ang gwapo mo pa rin. Ang ganda pa rin ng ngiti mo at pucha hanggang ngayon hindi ka pa rin marunong magtrim ng nose hair mo! Napangiti ako sa naisip kong ‘yon.

“O bakit ka ngumingiting mag-isa d’yan? May kulangot ba ‘ko?” At tuluyan na nga akong natawa. That broke the ice. Medyo nakakailang na rin kasi ang katahimikan. Iniisip mo rin siguro kung bakit mo nga ba ako naimbitahang mag-kape eh parang wala naman tayong mapag-usapan, nagastusan ka pa.

Tapos bigla kang nagtanong, “May boyfriend ka na ba?”

Nice. Interesado ka sa love life ko. Naisip ko pang magsinungaling pero bigla akong tinapik sa likod ni Saint Uriel kaya sinabi ko na rin ang totoo, “Wala pa simula nung nagkahiwalay tayo.”

Ooops… Nasobrahan naman ata ako sa honesty dun. Namula ka tuloy. At feeling ko ako rin. Bigla kasing uminit mukha ko.

Silence ulit. Parang gusto ko tuloy tadyakan sarili ko. Okay na sana eh. Ngayon ang awkward na naman tuloy. Sampung milyong anghel na ata ang dumaan wala pa ring nagsasalita sa ating dalawa. Buti na lang kape and iniinom natin, hindi tayo nakatulog.

Hinawakan mo kamay ko at dahan-dahang inilapit ang mukha mo sa’kin. Konti na lang maghahalikan na tayo. Pumikit ako at hinintay na dumampi ang mga labi mo sa mga labi ko. Ayan na, malapit na malapit na when suddenly you said, “Ok ka lang? You look weird.”

Damn! Panaginip lang pala! Imagine, sa tagal ng silence nakuha ko nang managinip ng gising. Ayos ‘yon ah.

“Okay lang ako. Hehe!” Sabay lagok ng kape. Pero sa pagkakataong ‘yon, puro hangin ang nalunok ko. Aba, ubos na pala kape ko. Ganun na ba tayo katagal dito? Pagtingin ko, yung cup pala ng tubig ang hawak ko. Langya! Napahiya ako do’n ah! At ayan nga, pinagtawanan mo ‘ko. Namiss tuloy kita. Ang weird ‘no? And’yan ka lang sa harap ko pero namimiss pa rin kita. Teka, don’t tell me mahal pa kita.

Boom! Ching! Kablag! Bratatat! Splok! Ding! Chaching! And it hit me so fast and hard. Mahal pa nga kita! Seeing you now, oo, mahal pa kita. Kaya naman pala! Kaya pala lahat ng may gusto sa’kin e inaayawan ko. Kaya pala hindi ko feel magkaroon ng bagong boyfriend eh nandito ka pa sa puso ko. Kaya pala… Damn! Ikaw pa rin pala talaga ang gusto ko. Kailangan ko lang pala uminom ng hangin para marealize ko ‘yon.

“O bakit ngayon naman parang naiiyak ka na? Okay ka lang ba talaga?” Isang malaking patawa naman ang sagot ko, “Pasensiya na ha, naalala ko lang kasi yung episode ng Sa Piling Mo kagabi. Nakakaiyak kasi yung nangyari.” Syet! Wala na bang mas corny pa do’n?! At yung palabas pa na ‘yon ang nasabi ko eh kapuso ka nga pala. Nakikita ko, gustong gusto mong tumawa ng malakas at halatang ang tindi ng effort mo para mapigilan ‘yon. Pero dahil nirerespeto mo ako, ngumiti ka na lang ng bahagya. Salamat. Hehe.

“Ayos ah. Kasama mo na nga ako, ‘yon pa iniisip mo. Mas gwapo naman ako kay Piolo ah.” Sabay tawa. “Sira ka talaga! Ang feeling mo!” Mas corny ka pala! Pero tumawa na rin ako kahit alam kong totoo naman ‘yong sinabi mo.

“So, uhm, bakit ka nga pala nag-resign? At bakit mo naman naisipang dito lumipat?”

“Ito na ba initial interview ko?”

“Adik, nagtatanong lang.” Sabay kurot sa braso mo.

“Aray! Hindi ka pa rin nagbabago, ang hilig mo pa rin manakit. Siguradong may pasa ako nito bukas. Hehehe! Pero sa totoo lang, nakakamiss din ‘yon ha. Ikaw lang kasi gumagawa n’yan sa’kin eh.”

Ayan nagblush na naman tuloy ako. At pareho tayong nanahimik sa sinabi mo. Hindi ba talaga tayo pwedeng mag-usap ng normal? Aaaaarrrrrggggghhhh! Nakaka-frustrate!

“Dylan…” ~sa kanya pa rin babalik…~ Nagring cellphone mo. Na-interrupt tuloy ako. Ayos sa ringtone ah. Hindi naman masyadong senti. Hahaha! Napangiti tuloy ako. Pero sa totoo lang, gusto kong tumawa ng malakas, nahiya lang ako sa’yo.

Napangiti ka rin na parang nahihiya tapos tumayo ka. “Excuse me ha, sagutin ko lang ‘to.”

“Sure, go ahead. I’ll wait right here.”

Lumabas ka pa ng shop. Mukhang confidential ata pag-uusapan n’yo. Sino kaya ‘yon? Baka girlfriend mo. Honestly, nalungkot ako. Selos? Pwede rin. Hai.

Pagpasok mo ulit, halos tumakbo ka papunta sa’kin at saka ka lumuhod sa tabi ko. Inilabas mo mula sa bulsa mo ang isang red velvet box. At ano pa nga ba ang laman no’n ‘di ba? Astig parang pelikula. Tapos sabi mo, “Shire, matagal din tayong nagkahiwalay. Maraming nangyari sa ating dalawa. Nagkaroon tayo ng kanya-kanyang buhay. Pero narealize ko ikaw pa rin talaga ang mahal ko. Please give me another chance. Let’s start over. Will…”

“Shire, I have to go. Emergency lang. Pasensiya ka na ha. Bawi na lang ako next time.”

Darn! Panaginip na naman. Nung tumingin ako sa orasan sa coffee shop, narealize ko na more than 5 minutes ka rin palang nawala. Kaya naman pala nanaginip na naman ako ng gising. At anak ng damong ligaw naman, ang ganda ng timing ng paggising mo sa’kin. Ayun na eh, malapit ka nang magpropose sa’kin. Tsk tsk.

“Ah sige ok lang. Walang problema. Importante ‘yan eh. Naiintindihan ko naman. Ingat ka na lang.”

“Thanks ha. Sige, una na’ko.”

One last wave and you’re gone. 2 years in the making ang pagkikita nating ‘to, and it’s over just like that. Pero ok na rin siguro ‘yon. Masyadong uncomfortable ang katahimikan eh. And besides, sa’yo na rin nanggaling, may next time pa. I smiled and with that thought in mind, left the coffee shop. Naisip ko pa, baka gusto mong makipagbalikan sa’kin. Naku kailangan ko nang magprepare ng mga sasabihin ko sa’yo. Na-excite tuloy ako. Then I stopped. A few meters away, I saw you with your arm around this awfully familiar looking girl. Kahit nakatalikod s’ya at hindi ko nakikita mukha n’ya, I’m sure kilala ko s’ya or nakita ko na s’ya somewhere.

“Oh my gosh it’s Ethel!” At dun na talaga nanlaki mata ko at sobrang kumabog ang dibdib ko. Kaya pala she looked famililar even from afar. Officemate ko s’ya. A few minutes before tayo nagkita sinabi pa n’ya sa’kin na ipapakilala n’ya ko sa bagong boyfriend n’ya. At ikaw pala ‘yon! Ouch!

~Toot Toot~ Ayan nagtext na nga s’ya sa’kin: “Sis mit tyo 4 cofi l8r s grinbelt. Ksma ko n xa.Ü”

Gumuho ang mundo ko sa mga oras na ‘yon. At ang sakit sakit ng puso ko. Isa na lang nasabi ko sa srili ko, “Dream on Shire… Asa ka pa…”

Advertisements

2 thoughts on “Coffee and Dreams

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s