Masakit ang paa ko.

Ano naman ngayon ‘di ba? Wala ka naman pakialam do’n. Maghintay ka. May point ako promise. Simulan natin ang kwento nung Sabado. May sinamahan akong bumili ng sapatos. Hindi ako dapat bibili pero nung napunta ako sa ladies’ side may nakita ako agad na talagang nagustuhan ko. Hindi ko na inalis tingin ko kasi ang ganda ganda talaga ng tingin ko sa sapatos na ‘yon. Kumuha na ako ng dalawang size, 8 at 9. Alin pipiliin  ko? Pinili ko yung 8. Hindi ko na sinukat. Basta naisip ko na masyadong malaki yung 9 kaya yung 8 na lang kasi sakto siguro, pwede na pagtiyagaan. Kahapon sinuot ko na yung sapatos. Ang sakit sa paa. Sobra. Kasi nga sakto lang, walang allowance. Pinilit ko lang kasi, pinagtiyagaan. At kahit alam kong masakit sa paa yung sapatos, sinuot ko pa rin ngayon. Inisip ko na masasanay din siguro ako. Bago lang kasi kaya baka gano’n. Nasaan ang point ko sa lahat ng ito? Eto na.

Narealize ko na ang pangyayaring ito ay parang pag-ibig lang. May magugustuhan ka, ipipilit mo kahit hindi naman talaga swak para sa’yo. Meron naman ibang option na pumili ka ng mas makakabuti  sa’yo pero matigas ang ulo mo, gusto mo pa rin sa hindi pwede. Adik ka kasi kaya nagtitiyaga ka kahit alam mong meron namang iba. Dahil nga pinipilit mo lang, nasasaktan ka. At para kang tanga kasi nasasaktan ka na nga, sige ka pa rin. Tuloy ka lang sa pagmamahal sa kanya. Iniisip mo na ok lang masaktan ngayon, magiging maayos din ang lahat sa bandang huli.

O ano, may point naman ako ‘di ba? 😉

Advertisements

6 thoughts on “Masakit ang paa ko.

  1. pero nakakapagod kase ipagpilitan ang sapatos na di sakto sayo, palage ka na lang masasaktan pede naman pumili ng bago di pa.. tago mo na lang sa cabinet atleast may collection ka na di ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s