Adobo Republic + Zen Tea

Ang adobo ay pagkaing Pilipino at dahil d’yan “feel kong mag-Tagalog. Sige na nga, Taglish. Hahaha! “Lunch out” na naman. Pero dahil gusto ng namin ng Nai Cha, sa Pearl Drive na lang daw. Ano meron? Adobo Republic. Lahat kami “first time“. Mataas “expectation ko. Malamang, kung ang pangalan ng “restaurant” mo ay Adobo Republic, dapat masarap talaga ang Adobo. “Sad to say”, na-“disappoint” ako. Hindi masarap. Walang lasa. Mas masarap pa yung adobo ni manang sa carinderia sa gilid ng “office”. At bakit “menudo cut” ang baboy? Malalaki ang “adobo cut‘ ‘di ba? Buti na lang may itlog na pula at kamatis natuwa pa rin ako. Hahaha. At okay naman ang adobo rice nila.

Adobo Mix, Php 115

Si A umorder ng “Chili Pork Sizzler”. Masarap. Parang Arroz a la Cubana na walang saging at nasa “sizzling plate”. Malasa kasi. Pero parang hindi maanghang. Ang kulit lang may itlog na maalat din. Parang hindi “match”. Pero pwede rin pala. And Arroz a la Cubana may itlog din pero “sunny side up” kaya pwede na rin siguro ‘yan. Hahaha.

Chili Pork Sizzler, Php 95

Si B naman “Sizzling Adobo Pork” ang inorder. Kagaya lang din ng adobo ko na nasa sizzling plate lang at may halong itlog na parang sa tunay na sisig. Alam n’yo naman ibig sabihin ng tunay na sisig ‘di ba? ‘Yun na. Hindi rin masarap. Malamang. Iisang kaldero ng adobo lang pinagmulan nila.

Sizzling Pork Adobo, Php 95

Buti na lang “unlimited rice” sila. “Plain rice” lang pero okay na rin. Mahal kasi kaya dun mo na lang masusulit. ‘Wag nga pala kayong magkakamaling umorder ng “Black Gulaman”. Sobrang tamis! Parang pagkatapos ng isang lagok pakiramdam mo “diabetic” ka na. At kakaiba rin talaga lasa n’ya. Parang lasang gamot na ewan. Buti na lang nasa hindi kalayuan and “Zen Tea”. ‘Yun ang nagsalba sa “disaster” na tanghalian. Ang sarap ng Nai Cha. Mura pa!

Nai Cha (XL), Php 45

Advertisements

6 thoughts on “Adobo Republic + Zen Tea

  1. masarap naman nung kumain kami dati jan ah.. yung maanghang nila na adobo, masarap.. hmm.. alam q nablog q un.. haha! 😛 bkt wlang itlog na maalat noon? 😐

  2. Pingback: Chatime « I am Complicated.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s