HOM

College pa lang, naririnig ko na sa radyo ang Hands On Manila (HOM). Nakuha n’ya ang atensyon ko kasi imbes daw na magbibigay ka ng pera, oras mo ang ido-donate mo.ย  Naisip ko, sakto, estudyante ako, kulang sa pananalapi. Naisip ko na no’n na sumali kasi nga gusto ko meron akong “charity works“. Pero dahil nga nag-aaral ako, nawalan na rin ako ng panahon para matupad ang gusto ko na ‘yon hanggang sa nakalimutan ko na. Kamakailan, nag-email ang isang kaibigan na naghahanap ng isang grupo na pwedeng salihan na may mga regular activities (monthly or weekly) para sa kawang gawa. Bigla kong naalala ulit ang HOM. Sinuggest ko na subukan namin ‘yon. At gawa na rin siguro na itinadhana, nalaman namin na magkakaroon ng isang orientation para sa mga gustong sumali sa organisasyong ito matapos ang 2 linggo. Pumunta kami at nagkaroon ng impormasyon sa schedule ng kanilang mga activities. Naisip namin na subukan ito ngayong buwan at kanina ang aming unang araw.

Una naming sinalihan ang Breakfast Club. Normally, ang mga volunteers daw ang nagdadala ng pagkain. Pero dahil birthday ni Sheng, s’ya ang nag-sponsor. Prizes sa games, at giveaways na lang ang sa amin. Sa may CCP kami at mga taga Baclaran ang mga batang kasama namin. Si Kuya Von (hindi so sigurado kung tama ang spelling ng pangalan n’ya) ng Childhope Asia ang nagdala sa kanila doon. May games, at syempre yung feeding. Iba-iba ang edad nila. May mga sobrang bata, at meron din naman na 16 years old na. Pero nakakalungkot na kahit ganun na edad nila, ang pangangatawan nila, parang batang bata pa rin. Ganun siguro talaga ‘pag malnourished. Masaya ako na kahit sa konting panahon ay nakapagbigay kami ng saya sa kanila. Mababaw lang naman kaligayahan nila. Hindi kagaya ng mga nakaka angat sa buhay na hindi na nakukuntento. Ang daming gusto. Madalas mapag aksaya. Mas naging thankful ako dahil swerte ako sa buhay ko. Kahit sabihin nating hindi naman ako mayaman o anak mayaman, sapat naman ang meron ako para mabuhay ako ng maayos at makuha ang lahat ng “kailangan” ko.

Sa hapon, pumunta naman kami sa Pangarap Shelter para naman sa tutoring. Sa una natakot ako. Pa’no naman ako magtuturo? Pa’no kung hindi ko naman alam ang ituturo ko? Nakakahiya. Pero bahala na. Nagulat ako kasi ‘yung iba matatanda na pero ang level nila, mga elementary pa lang. Nakakalungkot isipin na hindi sila nakapag aral ng maayos. Pero nakakatuwa pa rin sila kasi makikita mo na gusto talaga nilang matuto. Pursigido sila. Wala lang silang pagkakataon pero ‘yung iba sa kanila halatang matalino naman. Lalu ako napaisip na blessed talaga ako. ‘Yung iba kasi, nasa private school na pero binabalewala lang. Isa ako sa mga ‘yon. Aminado ako na tamad ako mag-aral noong college. Kung mababalik ko lang ang panahon, sana mas pinagbuti ko pa. Pero tapos na ‘yon.

Nakakapagod ang araw na ito. Pero sobrang saya ko rin. At sobrang fulfilled. ‘Yung matagal ko nang pinapangarap na pagsali sa HOM sa wakas ay nagawa ko na. Sana maging regular ang pagsama namin sa activities nila at sana ay ma-try din namin ‘yung iba pa. Salamat HOM sa pagkakataon. Sana marami pa tayong matulungan at mapasaya. ๐Ÿ˜€

4 thoughts on “HOM

  1. nice beshy~! kailangan talaga natin i-share minsan kung ano ang meron tayo at hindi naman lagi nangangahulugan na pera lang ang pwede natin maibahagi sa iba.. masarap talaga ang pakiramdam pag nakakagawa ng mabuti sa kapwa.. ๐Ÿ™‚ hindi lang sila ang natutulungan mo, kundi sila rin ay natutulungan ka.. natutulungan ka nila na marealize mo kung ano ang mga meron ka at mas mapapahalagahan mo pa ang mga iyon.. ๐Ÿ™‚

  2. tama lahat ng sinabi mo beshy. nakakatuwa pa yung batang natutor ko kasi ang bait n’ya tapos talagang alam naman n’ya sagot gusto lang n’ya ng confirmation. tapos close na kami nipsych test pa n’ya ko hahaha kakatuwa. I hope I see him again next saturday.

Leave a comment