Pao Tsin

Medyo malungkot sa office ngayon, maraming naka-leave. Parang nakakawalang gana tuloy. Pakiramdam ko nga Sabado na. At dahil do’n, umarte ako.  Ayoko ng baon ko kaya sumama ako mag-lunch sa Megamall. Sa food court daw. Dahil miss ko na ang Pao Tsin, do’n ko naisipang mag-order ng pagkain. Shark’s Fin with Hainanese rice sana pero Seafood or Garlic rice lang daw meron kaya Garlic na lang.

Shark's Fin with Garlic Rice, Php 55

Hindi naman ako na-disappoint sa Garlic rice, talagang sinangag s’ya na may bawang bits. Malasa, hindi gaya ng sa iba na plain rice lang na binudburan ng bawang sa taas. ‘Yung sawsawan ang medyo fail. Hindi maanghang yung chili, at nasobrahan ata ng calamansi, masyadong maasim, hindi nabalanse.

Naisipan ko rin palang tikman ang “Laksa” (spicy noodle soup) nila. Ang sarap! Kakaiba s’ya. Ngayon lang kasi ako nakatikim no’n. Hahaha. Sabaw pa lang, ayos na.

Crackling Pork Combo Laksa, Php 82

Para s’yang may gata na parang hindi naman kasi hindi naman malapot yung sabaw. Marami s’yang sibuyas chips na malasang malasa talaga. Kahit siguro ito lang ang inorder ko, busog na ‘ko. Meron na kasi s’yang 2 Shark’s Fin, at 3 o 4 na piraso ng liempo na malalaki at malaman naman.

Talagang tama sila. ‘Pag nagtitipid ka, mag Pao Tsin ka. Masarap na, mura pa. Sulit na sulit talaga. Parang pang commercial lang. 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s