Ikaw ba ang kailangan ko?

* Oh lookey, I even have a Tagalog version. 😉

Kung gusto mo maging masaya, humanap ka ng taong tanggap ka. ‘Yung tanggap lahat ng meron ka at tanggap din lahat ng wala ka. ‘Yung kahit nasa’yo na lahat ng ayaw n’ya, babalewalain n’ya na lang dahil mahal ka n’ya talaga. Hindi n’ya pipiliting baguhin ka, tatanggapin na lang n’ya na ganun ka talaga. Isang tao na tanggap lahat ng kaweirduhan, katangahan, kalokohan, kagarapalan, at kung ano-ano pang kagaguhan mo. ‘Yung tanggap ka kahit dumidighay ka ng malakas na parang construction worker, tanggap ka kahit kain karpintero ka, tanggap ka kahit halos wala ka na kahihiyan sa mga pinaggagagawa mo pag nalalasing ka, tanggap ka kahit malakas ka tumawa na kala mo wala nang bukas, tanggap ka kahit mahilig ka gumala at pumunta kung saan saang lupalop ng Pilipinas, tanggap ka kahit hindi ka maganda sa umaga, tanggap ka kahit masungit ka paminsan minsan at naninigaw pag naiinis, tanggap ka kahit maitim ka, tanggap ka kahit mahilig ka sa foot spa with pedicure, tanggap ka kahit mahilig ka sa nail polish lalu na ‘yung kulay itim, tanggap ka kahit magastos ka. ‘Yung tanggap lahat ng mood swings mo, at pilit kang iniintindi. At dahil tanggap ka n’ya, kaya ka n’yang ipaglaban kahit ano pa sabihin ng iba, kahit pa sa pamilya n’ya. ‘Yung parang you and me against the world ang drama. At dahil tanggap ka n’ya, kaya n’ya ipagsigawan at ipagmalaki sa buong mundo na ikaw ang mahal n’ya. Ikaw lang wala nang iba…

Advertisements

One thought on “Ikaw ba ang kailangan ko?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s