2

Presidency not Popularity

Feel ko mag-blog about politics today. Siguro dahil malapit na eleksyon. Siguro dahil uso. Siguro dahil naiinis ako. I want to tell the world that for this 2010 (Philippine) Presidential elections, my vote goes to Richard Gordon. Why? Because I believe in him. I believe he has what it takes to turn this country around. He is the only one I’ve heard who has presented concrete steps on how he would be able to achieve his vision. He has Plan A, which if it fails, he has Plan B. He even has Plan C. He doesn’t just say,”This is what I will do.”  but he  also says, “This is how I intend to do it.” so I feel he really may just be able to do great things for the Philippines. Now, I’m not gonna diss the other candidates. I’m not out to do that.

Naiinis ako kasi may mga taong sabi nila gusto nila si Gordon pero alam nilang hindi mananalo kaya pumili na lang sila ng ibang kandidato. ‘Yung popular. ‘Yung mataas ang rating sa survey. ‘Pag tinanong mo naman kung bakit ‘yun yung pinili nila, wala sila maisagot. Ibig sabihin hindi naman talaga sila naniniwala sa taong ‘yon. Sumasabay lang sila sa nakararami, sa uso. Feeling ko obsessed and Pilipino sa “winner mentality”. Hindi ko alam kung meron talagang ganitong term. Maaaring imbento ko lang. Pero ang ibig ko sabihin, naninigurado ang marami sa atin. Papanig sila sa taong mukhang malakas ang popularidad at malaki ang chance na manalo. Kasi iba ang fulfillment nga naman ‘pag nandun ka sa panig ng panalo. Masaya, may kakaibang high. Ibig sabihin magaling ka pumili. Tama? Mali. Sana mag-isip isip kayo. Pa’no kung aabot pala sa milyon milyon ang mga taong kagaya n’yo mag-isip? Pa’no kung may fighting chance pala talaga si Gordon pero dahil marami sa atin ang nag-isip otherwise, nawala ang mga boto n’ya. Sayang ‘di ba?

May nakapagsabi rin sa akin na sayang daw ang boto kung si Gordon ang pipiliin ko kasi nga malabo naman manalo. Nag-init talaga ulo ko dito. Bakit masasayang ang boto kung binoto ko ang taong gusto ko? Based solely on his credentials and not his popularity. Hindi ako naniniwala sa survey. Surveys are just a very small fraction of our population. Ilan lang ba ang tinatanong sa survey? Even if he doesn’t win, at least I did my duty well. I stood my ground.

I’m not imposing my beliefs on anyone. To each his own favorable candidate. Ang gusto ko lang, siguraduhin natin na ang taong iboboto natin ay talagang pinaniniwalaan natin na may magagawang maganda. Para sa’kin, si Gordon ‘yon.