My Amnesia Girl

We watched “My Amneisa Girl” last night. I freakin’ loved it! Cheesy, yes. But still, super laugh trip! Busog sa pick-up lines. At in fairness, maganda ang delivery. Ayos ang chemistry ni John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga. They look so cute together. Oh, and I didn’t know na may comic timing pala si Joross Gamboa. In fairness to him, maraming parts na natawa ako sa kanya. Favorite ko yung opening spiel ni Apollo (JLC):

 

“Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa’yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab.

May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga tanong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na pinakawalan mo pa”

 

Here are the lines na naaalala ko pa:

 

Ice ka ba? Kasi gusto kitang i-crush.

-=oOo=-

May lason ba mga mata mo? Kasi nakakamatay mga titig mo.

-=oOo=-

Ulan ka ba? Kasi lupa ako. Sa ayaw at sa gusto mo, sa akin ang bagsak mo.

-=oOo=-

May MMDA ba dito? Kasi nagkakabanggan na mga puso natin.

-=oOo=-

Kung ikakasal ka, saan mo gusto? Ako kasi sa tabi mo.

-=oOo=-

Para kang tae. Kasi hindi kita kayang paglaruan.

-=oOo=-

Ihi ka ba? Kasi hindi kita matiis e.

-=oOo=-

Tumatangkad ka ba? Kasi dati hanggang balikat lang kita. Ngayon nasa isip na kita.

-=oOo=-

Lumiliit ka ba? Kasi dati nasa isip na kita ngayon nasa puso na kita.

-=oOo=-

Nasaan ka kagabi? <insert answer here> Kaya pala wala ka sa panaginip ko eh.

-=oOo=-

Bumili ka na ng salbabida. Baka malunod ka sa pagmamahal ko.

-=oOo=-

Baka hindi ka na makauwi. Kasi nasa isip na kita eh.

-=oOo=-

May balak ka bang kumandidato? Boto kasi sa’yo tatay ko eh.

-=oOo=-

Pulis ako. Kasi ikaw ang most wanted ko.

 

Will add more ‘pag may naalala ako. Bitin lang yun ending e. Parang walang denouement. Bigla na lang nag- the end. Sana may part 2. I will definitely watch it. 😉

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s