HK Day 3: Antok

Hindi ako makatulog last night. May nagiisip siguro sa’kin. Baka namimiss na ‘ko. Past 12 na ata ako nakatulog. Pinilit ko pa ‘yon ha. Buti nagising ulit ako sa alarm. Pero this time I made sure na si L na talaga yung madadial ko sa phone. Last time kasi nagkamali ako. Kaya pala hindi kami magkaintindihan ibang tao ‘yung kausap ko. Nagising ko pa ata s’ya. Sorry naman po.

 

Simula pa lang parang marami na signs that this is not gonna be a good day. Una, naiwan kami ng shuttle bus. Kasalanan nung isang pamilya na sumakay sa 19th floor. Ang bagal kasi nung isa. Tapos siniksik talaga nila mga sarili nila kaya COD talaga. Anyway, sakto paglabas namin ng elevator ayun na, nakita naming umalis na yung shuttle. Magmini bus sana kami pero umuulan pala so we had to go back to our rooms to get our umbrellas. This day is the coldest so far. Para akong nagyoyosi pag nagsasalita. Aliw. At dahil sa late kami umalis ng hotel, late kami dumating sa office. Bumili na lang kami ng breakfast dun sa HteaO cafe sa 1st floor nung office building namin.

 

I had the Set E. Mushroom and cheddar cheese wrap with tea of the day. Yung tea of the day, raspberry flavored. I forgot the whole name it was called. Masarap. Bitin lang yung wrap kasi medyo maliit pala. Oh well. Will get something different next time. At dahil napuyat ako, antok na antok ako sa office. Halos hindi ko masundan mga sinasabi ni Ada. Muntik pa ko makatulog nung naguusap sila ni L. Yikes.

 

We had lunch at MX. Finally, nakain din ako ng Hainan Chicken Rice. Mi el paborito. Nakakainis lang kasi ang daming buto.

 

Pero yung lasa, hmmm… masarap naman. Fatty. And ang dami ng rice. I have yet to try Wee Nam Kee in Manila though.

 

L got the Char Siu. Actually hindi talaga ‘yan ang inorder n’ya. Hindi naman alam bakit pero ang theory namin ay namix up nung cashier yung sinabi n’ya. Hindi kasi s’ya marunong mag English talaga. She let me taste it at ok naman. Sobrang daming kanin lang kaya hindi n’ya naubos.

 

Medyo busy si L kaya late na kami nakalabas ng office. We planned to go to Mong Kok to buy a coat, boots, gloves, and a bonnet. But there was a slight change of plans. We met up with RJ, a good friend from college who is based here in Hong Kong. We still went to Mong Kok but instead of doing some shopping. Nagfood trip kami. First, while waiting for RJ, we had a taste of some street food at this certain corner street.

 

Tatlo lang talaga yung tinikman namin d’yan pero dahil hirap na kami sa paghawak, hindi ko na nakuhanan ng picture isa-isa. Group pic na lang. Hehe.

 

 

Ito naman ay laman loobs ng hindi ko alam kung baboy, baka o ano man. Meron din twalya. Masarap naman s’ya. Scared lang si L kaya hindi na n’ya tinkman. HK$30 ito!!!

 

Hindi ko alam ano yung mga kinain namin pero ok naman. Masarap. Medyo mahal lang because it set us back HK$59 na rin. Then when RJ came, we asked him to take us to a place with yummy Dim Sum. We walked from Mong Kok to Yua Mei Tei. We ate on a table set up on the side walk. It may not be a sushal place pero ang sarap din ha. Enjoy na enjoy na naman kami ni L. At kami rin sumuko. Oorder pa dapat si RJ pero sabi namin hindi na namin kaya. Here’s our food:

 

I like the chicken feet we tasted at Cao Inn. It was more flavorful and tender. This one is okay too, it wasn’t really that bad. The first one we had was just better.

 

RJ said this is also siomai but a little different because it has quail eggs on top. I’m not sure how they do the filling but it tasted a little different too.

 

This is the usual siomai we normall eat in the Philippines. The difference with this one is that it has fish eggs on top, like toppings.

 

These are beef balls too, like the ones we had in Chao Inn. They taste really good too so I cannot pick which one I liked better.

 

RJ said this cannot be found in the Philippines. He explained what this is but I forgot the details. It’s like lumpia but the wrapper is different. Masarap s’ya!

 

Hindi pwedeng mawala ang shrimp wanton. Favorite ni L. I liked it too. 2 nga ata nakain ko. Hahaha! Ang lambot din kasi nung shrimp. Sakto rin ang luto.

 

 

Squid daw ito. Yung nasa ilalim naman ay radish. Sakto rin pagkakaluto nung squid. Hindi ko lang maintindihan yung lasa. Hindi ko kasi alam ano yung sauce.

 

 

We went to his place after eating kasi I had to use the toilet. We met his brother, nephew, and aunt. Nakakatawa pa pala while we were eating dumaan dad n’ya, on his way to a jokcey club daw. Meron din palang ganun dito. Hahaha. From his place, we went for dessert. Super sarap nung dessert. As in parang pwede na ‘ko mamatay after eating. Pumunta kami sa Gourmet Desserts Cafe. It was near his place lang din.

 

 

 

I don’t know what this is called. Pero para s’yang may graham base then may ice cream then the outside is whipped cream. Nakakatawa lang kasi paglapag kinain na namin agad e parang may ilalagay pa pala sa taas. A liquid was set on fire then poured over the cream kaya for a while may blue flame yung top and parang nagcaramelize yung taas.

 

 

This one’s the best. It’s called Belgian Soft Centered Pudding Cake. Award winning daw ito sabi ni RJ. Ang sarap naman talaga. Mainit at malamig. Very nice. You have to taste it talaga eh. Hindi ko madescribe.

 

Ang saya-saya ko nung pauwi kami. And the best part was, libre lahat ‘yon! Super thank you RJ! Oh and he also said he’d get us some free coats from his office. Supplier daw kasi sila ng lights ng Zara and Marks & Spencer. Basta parang ganun. Hindi ko masyadong maalala yung story. Busy kasi ako sa pagkain. Sila ni L nag-uusap. Hahaha. Naku sana nga makakuha s’ya and sana free talaga. Yipee! 😀

 

Advertisements

3 thoughts on “HK Day 3: Antok

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s