HK Day 4: Happy

Day 4 na. It’s not so cold today unlike yesterday na parang nagyeyelo ako kahit nasa loob ng office. We had breakfast sa aking paboritong Cafe de Coral. I got the bun with butter na may kasamang sausage at luncheon meat at meron pang sopas.

 

Yung luncheon meat nila lasang Ma Ling din. Hehe. Aliw yung pasta nung sopas, parang srew yung shape. Busog na busog ako sa sopas pa lang.

 

Happy ang theme ngayon kasi may hangover pa ako sa masasarap na pinakain ni RJ sa amin kagabi. Napapangiti ako ‘pag naaalala ko. Nakakatamad sa office ngayon. Siguro kasi inaantok ako tapos wala kami masyadong interaction ni Ada. Nagpapractice lang kasi ako nung mga tinuro n’ya. L and I were supposed to have lunch at APM pero dahil kailangan n’ya makabalik ng maaga naisip namin na sa MX na lang. Pero nung may nadaanan kaming McDo, sabi ko dun na lang since meron naman kami gusto itry na drink. E wala dun nung gusto naming itry na drink. Labo. Pero we went ahead and ordered. Malas lang hindi marunong mag-English yung cashier kaya nahirapan kami. For the first time though, mas mahal order ni L kesa sa’kin. Ang weird nga e. Mas mahal ang Double Cheeseburger sa Big Mac!

 

 

We decided to go to Mong Kok again after office hours. Pero we resolved na shopping na talaga ang gagawin namin at hindi food trip. Hindi ko nakausap si RJ so hindi ko alam if naikuha n’ya kami ng coat. Sabi ko kay L ang bibilhin ko na lang muna ay gloves, bonnet, boots, at scarf para in case makakuha si RJ hindi magdoble. We had dinner at Cafe de Coral kasi nagcrave si L ng Baked Porkchop.

 

 

Lakad kami ng lakad pero ang nabili ko lang ay isang scarf at watch na Stitch na wala sa plano! Hahaha! Tapos naharass pa ako! Babae pa ha! L and I went to this store that sells boots since plano ko naman talaga bumili. Then this girl, yung saleslady ata yun, lumapit sa’kin at may mga Tagalog words na sinabi like maganda ganun. But the other stuff she said hindi ko na naintindihan. Tapos tumatawa na lang s’ya bigla. Pero dahil hindi ko naiintindihan sinasabi n’ya para akong na-lost. Then tinuturo n’ya yung kamay ko na nasa pockets ng coat ko. Yung pockets ay nasa may boobs ang pwesto. Tapos tinanggal ko kamay ko. Then the next thing I knew she was saying “Let me try.” then bigla na lang nasa loob na ng pocket ko yung kamay n’ya. Ang bilis ng pangyayari. Tapos 3 na sila hinahabol ako at gusto lahat mag-try. Nightmare! We got outta there fast. Grabe. Tapos ikot ulit. Bumili kami ng yogurt. I had the natural lang with Lychee poppers. L had the natural with Oreo crumbs.

 

 

 

Tapos I bought grilled (squid?) tentacles na may super anghang na sauce na hindi ko kinaya muntik na ‘ko maluha.

 

 

 

Tapos I bought pa this German sausage ata. Nakakatakot yung hitsura. Ang kadiri talaga pero masarap naman. At malaki. Hahaha!

 

 

Super napagod ako sa kakalakad namin. Then when we got back to the hotel ang laking problem pa nung key card ni L. She couldn’t get in. So kinailangan pa bumaba ulit at magpapalit ng card. Then inayos pa ang mga ipapalaundry. Oh well. Must wake up early pa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s