HK Day 7: Fail

Gumising ako ng maaga para makagamit ng bathtub. Wala kasi nun sa Rambler. Hahaha. Pero masyado atang marami yung tubig ko kasi hindi bumula nung nilagyan ko ng bath gel. Pero sabi ni Lea kailangan ko raw itapat yung soap sa faucet para bumula. Para lang tuloy akong naglublob sa normal na tubig. Hahaha. First up, nagbreakfast kami sa McDo. Tinry ko yung Sausauge and Egg Twistee Pasta with cheese nila. Wala nito sa Pilipins e.

 

Parang walang lasa so nilagyan ko ng salt. The combination is a little off, pero it’s edible pa rin naman. Hindi naman masama ang lasa.

 

Then after eating, bumalik kami sa hotel para maghintay ng shuttle papuntang ferry terminal. We missed it by a minute. Fail. Anyway, while waiting, may nakilala kaming lola na sushal. Hahaha. Pinay naman. She was with her son, daughter-in-law, and 2 grandkids. Ang daldal ni lola. Nalaman ko pa tuloy na Kapampangan s’ya. At ang nakatira sila sa QC, sa may likod ng Sto. Domingo church at ang business n’ya ay Sans Rival sa Betis, Pampanga at may function hall daw sila sa QC and they do catering services. Yung trip daw nila na yun ay regalo nila sa kanilang mga sarili because they were very busy last Christmas. Nakwento rin pala n’ya yung package na kinuha nila sa Cirque de Soleil, at kung ano yung binili n’ya nung nag-shop s’ya. Oo ganun s’ya kadaldal. Pero nakakatuwa naman s’ya. Maybe one day puntahan ko yung shop n’ya ng Sans Rivalsa Betis. Sana lang s’ya lang yung mag-isang nagtitinda ng Sans Rival dun. Hahaha.

 

We got on the shuttle bus going to the ferry terminal and intended to walk to Fisherman’s Wharf. The problem was, hindi maalala ni L kung saan dapat ang way ng paglakad para makarating dun. So we spent a loooooooong time walkin’ around everywhere tryin’ to find the way. Finally, I saw this sort of pedestrian overpass and we thought na pwede namin subukang dun dumaan. So we did. At yun na pala ang tamang daan. Sa wakas, after 10 years ay nakarating din kami sa aming paroroonan. Dahil fail nga ang theme ng araw, hindi pa nagtatagal ay may failure nang naganap. Naglow-batt ang camera ni L. Pero may spare battery s’ya. So ok lang sana. But as it turns out, hindi naka-charge yung spare. So fail nga talaga. Eh dahil alam kong dala n’ya camera n’ya at may spare battery s’ya, hindi ko na dinala ang camera ko. Ayun nauwi kami sa camera phone ko. Buti na lang at fully charged s’ya. Imagine being in a place na kahit saan ay may picture opportunity tapos ang gamit mo lang ay 5MP camera phone. Not that bad, the resolution is still okay but still, iba pa rin kung gigicam talaga. Pero kahit ganun, picture galore pa rin kami.

 

After sumakit ng bongga ng paa ko kakalakad dun, we rode the shuttle bus of The Venetian. Eto na. Ito na yung nasa BOF na scene kung saan sinabi ni Jun Pyo na mantsa si Jan Di. I can’t believe I was finally standing sa spot kung saan tumayo si Jun Pyo. I’m not sure it’s the exact same spot pero still, dun yun sa lugar na yun. Tuwang tuwa talaga ako sa lugar. Ang ganda ganda. Sobrang surreal. Shempre, picture galore na naman ako. We had lunch there na rin. Late lunch na. We settled for this Singaporean place na ang crew ay mga Pinoy. Well, Hainan Chicken Rice lang din naman inorder namin pareho. Haha.

 

 

At natuwa ako meron sila nung Schweppes Cream Soda! I remember gustong gusto ko ‘to nung Nasa HK ako in 2008. So I ordered it for the nostalgia.

 

 

Si L nagshopping sa Mango at Zara. Ang mura! Pero pigil ako. Ayoko mag-shop. Though I must admit medyo nagsisi ako at hindi ko nabili yung boots sa Zara. Though feeling ko hindi talaga s’ya maganda ‘pag hindi naka-pants. Yun na lang iniisip ko para mawala ang pagsisisi. Nanghihinayang din ako na hindi kami sumakay sa gondola. Pero mahal din kasi. HK$ 168 ata, or something like that. Basta 100+. Pero nakakatuwa sobrang ganda ng boses nung mga driver(?) ng gondola. Nakakapangilabot. Naku, kung may time lang sana, nagtagal pa kami dun. Tumawid na kami goin’ to City Of Dreams para manood ng Bubble Show. Libre lang pala s’ya. So after getting tickets, we got time to kill pa since 5:30 pa yung time naming. Umupo muna kami sa food court at uminom ng Taiwanese Bubble Tea.

 

Nagkwentuhan muna kami ni L at kinwento n’ya ang love story nila ni B. Kinilig ako. I wish I had a similar love story. Pero wala. Ayoko na isipin. Hahaha.

 

Anyway, akala ko ang bubble show ay show na may bubbles. As in yung bubbles na nagagawa using water na may soapy substance. Haha loser. Ito pala ay parang light and sound show in a theater na paikot. Ang kewl. Naaliw ako. Gusto ko lang magreklamo dun sa parang “show”/pampalipas oras habang nakapila. Yung 2 lalaki na nageentertain Chinese ang salita. So OP kami. Sana naisipan nilang marami ring tourist na hindi Chinese. Anyway, may souvenir photo nga pala na kinukunan before pumila then nilalagay nila sa snow globe, magnet, key chain, at photo holder na pwede mong bilhin after the show. Binili naming ni L. Naaliw kasi s’ya sa snow globe. After that, bumalik na kami sa Macau City para magpapicture ako sa St. Paul ruins at para mamili ng pasalubong.

 

On the way back to the hotel, naalala ko yung pinakain sa’kin dati ni C na parang squid ball pero square na may cheese sa loob na nabili raw nila sa Macau. Buti na lang yung dinaanan namin ni L ay isang hilera ng nagtitinda ng mga kung ano anong tusok tusok food. Kaya tinanong ko yung babae kung alin dun yung may cheese sa loob. Nung square yung tinuro n’ya, alam ko na. Yun na yun. So umorder ako ng isang stick para matikman at makasiguro. Nilalagyan pala ng curry sauce. Ang sarap. Kaya umorder ako ng marami para kainin namin ni L.

 

 

Natuwa naman ako na nagustuhan n’ya at nasarapan naman s’ya. So ako na ang expert sa pagkain. Hahaha! Kaya ako nasisisi na tumataba s’ya dahil sa’kin. Haha!

 

Then balik na kami HK. Nakakapagod. Ang dami pa naming dala. Tulog kami pareho sa ferry. When we got to HK, akala namin wala na kami makakainan. Buti na lang bukas pa yung McDo. Thank God. Ayun nakakain naman kami. Ang inorder ko ay McChicken.

 

Iba s’ya sa McChicken sa Pinas. This one was like the Zinger na crispy at medyo spicy. Mas maliit s’ya sa Zinger though. Pero masarap pa rin. I went to sleep with a smile on face and numerous blisters on my feet. But what the heck, I was happy. 😀

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s