Nakakainis

Let’s face it, hindi talaga ako ganun ka-deep na tao. Hindi ako philosophical. Hindi ako gumagamit ng highfaluting words para maisip ng iba na matalino ako. Madali akong patawanin. Kahit corny ang joke natatawa ako ng bongga. Masayahin ako. Palagi akong nakangiti. Minsan napagiisipan na akong baliw. Pero ayos lang. Basta masaya. Madali ako i-please. Bigyan mo lang ako ng candy buo na araw ko. May problema ba dun? I have my complexities and other ka-artehan din naman. Hindi naman ako puro kababawan. Marami rin ako kinaiinisan.

 

Nakakinis lang talaga yung ibang feeling superior porke’t magaling mag-English at nakakagamit ng mga salitang hindi ko maiintindihan unless tingnan ko ang meaning sa dictionary. If I know teh, ginamitan mo lang ng thesaurus ‘yan. Pero sige na nga, hindi ka gumagamit nun. Ganun ka kagaling. I’ll give you the benefit of the doubt.

 

Nakakainis lang din yung feeling superior ‘pag hindi kayo pareho ng hilig na music genre. Sige na, ikaw na ang maraming alam na indie bands. Loser kaming mahilig sa mainstream. Ikaw na ang music goddess! Eh if I know, mahilig ka rin sa boybands dati.

 

Nakakainis din yung mga masyadong mayabang. Kailangang i-broadcast sa status lahat ng bagong gadgets and what nots. At hindi lang basta-basta ha. Yung tipong kailangang sabihin lahat ng detalye, yung brand, at specific model.

 

May isang uri din na mayabang sa pananalita. Pero subtle. Yung kailangan n’yang maibida ang sarili n’ya ng hindi mo masyadong mahahalata na bumibida na s’ya. Hindi s’ya papayag na may hihigit sa kanya. Or kung may hihigit man, dapat close second s’ya. Or basta makakapagbigay s’ya ng depensa kung bakit hindi s’ya yung number 1.

 

Nakakainis yung mga know it all. Oo na, marami kang alam. Pero kailangan mo ba talagang sumingit sa lahat ng usapan at ipakitang expert ka? ‘Wag ganun. Masyadong papansin eh. Hindi naman namin kailangang malaman na alam mo lahat ng bagay. Lalu na kung hindi ka naman tinatanong. Epal mo lang.

 

Nakakainis yung mga walang konsepto ng pila. Nakikita na ngang may pila ipipilit pa ring makipagunahan. Bulag ka teh? Hindi? Eh umayos ka. Mas nakakairita yung mga sumisingit pero patay malisya. Tipong magugulat pa kunwari ‘pag pinoint out mo na may pila. Okay lang naman yung may kasama ka nang nakapila at sisingit ka na lang. Pero sana isa-isa lang din. ‘Wag yung isa lang yung pumila tapos buong barangay pala yung ipinila n’ya. Nakakaloko lang eh.

 

Nakakainis yung mga dumudura kung saan-saan. Lalu na ‘pag sa loob ng mall or mga underpass. My goodness! Kadiri talaga. Lalu ‘pag maririnig mo pa yung sound they make para mailabas yung whatever na gusto nilang ilabas. I mean, it’s one thing na makakita ka ng dura habang naglalakad. It’s worse when you actually see them do it kasi nasa harap mo sila. Syet lang.

 

Nakakainis yung mga sinungaling. Halatang halata naman na binibilog lang nila ulo mo pero sige pa rin sila. As in obvious naman na talk shit pero they just carry on. Pero minsan nakakatawa na lang din e. Kala nila their lies are fool proof pero mahuhuli mo rin naman. At nakakatawa na lang yung naiimbento nilang istorya kasi nga alam mo na yung totoo. Hahaha! People nga naman.

 

Pansin ko lang, walang koneksyon yung opening ko sa totoong topic nitong post ko. Pero that only shows na tama ako ‘di ba? May complexity din ako. Haha.

Advertisements

5 thoughts on “Nakakainis

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s