Nakakainis Part 2

Dahil successful ang unang post ko, at nainspire pa si Raffy na gumawa ng version n’ya, eto na ang part 2.

 

Nakakainis yung mga taong ayaw magabot ng bayad sa jeep. Feeling royalty? Bingi? Tulog kunware? Teh, kung ayaw mo madumihan kamay mo sa pagabot ng bayad, ‘wag ka pumwesto sa may likod ng driver. Dun ka sa dulo. Mahulog ka sana. O kaya naman, dahil sushal sushalan ka na rin lang, ‘wag ka na mag-jeep. Mag-taxi ka! Or better yet, bumili ka sarili mong sasakyan!

 

Napaguusapan na rin lang ang public transportation, nakakainis yung mga taxi driver na kasarapan ang kwentuhan n’yo ng kasama mo tapos biglang lalakasan yung radyo. Bastusan kung bastusan. Bawal magkwentuhan? O baka naiinggit ka lang manong sa usapan at gusto mo sanang sumali?

 

Still on public transport, nakakainis yung mga bus driver na kung bumusina e parang wala nang bukas! Koya, kahit bumusina ka ng isang libong beses, hindi sasakay ang mga ‘yan kung hindi sila pupunta sa mga lugar na nasa sign board mo! At hindi mo rin yan kailangan para i-announce na dumating ka na. Sa laki ng bus, kitang kita naman kahit malayo pa. Kung kayo bingi na dahil sa araw-araw na kakaganyan, spare us.

 

In relation to public transportation pa rin, nakakainis yung mga walang pakialam na nagpapatugtog ng malakas while inside elevators and public transportation. Cellphones are on loud, walang earphones. Wala kayo pambili ng earphones? Do you really have to torture us with your type of music? Well, it actually doesn’t matter what genre you’re listenging to. It’s just not right. Then patay malisya pa talaga, na parang wala silang ginagawang kakaiba. Damn you!

 

On other news, nakakainis yung naliligo ka tapos maririnig mo may nagtext sa’yo at dahil excited ka, lumabas ka talaga ng banyo habang water is dripping all over the place only to find out na yung service provider mo lang pala ang nagtext sa’yo. Bwisit lang talaga!

 

Nakakainis yung mga pikon pero malakas naman mang-asar. Hindi ako naiinis sa malakas mang-asar per se. I can take whatever they throw at me. I can hold my ground and throw a few punches of my own. Ang nakakainis yung tipong nakaka-offend ka humirit sa iba pero ‘pag ikaw ang binanatan magagalit ka. It ain’t fair. And it makes you gay. No offense to homosexuals who have more balls than these pikon people.

 

Nakakainis yung mga taong nambibitin. No, not that kind of pambibitin, you green minded, you! Yung io-open yung topic tapos biglang magbabago isip. May gustong sabihin pero sabay babawiin din. Ayan na eh. You piqued my curiosity already. Bakit hindi mo pa ituloy? Kung hindi ka sigurado eh ‘di sana hindi mo na sinimulan in the first place. Hindi naman sa tsismosa ako. Ayoko lang talaga ng ganung feeling. Kasama na rin d’yan yung mga may sasabihin daw pero biglang bukas na lang. Parang sadyang ayaw kang patulugin. To hell with your beauty sleep para pangit ka kinabukasan kagaya nila.

 

Ayan. Sana wala nang part 3. Masyado na akong maraming issue sa buhay. Tama na ‘yan. Hehehe! πŸ˜€

Advertisements

4 thoughts on “Nakakainis Part 2

  1. hahaha! funny post, but true.
    kainis yung mga bagong sakay sa jeep na uupo sa dulo taps mag-papaabot ng bayad! kung disabled o handicapped sya, iaabot ko. if not, ay sorry! haha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s