Ngayong gabi, malungkot ako.

Ngayong gabi, malungkot ako.

Biglang tumulo ang luha sa aking kaliwang mata nang walang abiso.

Parang nalulunod ako sa lungkot, at hindi ako halos makahinga.

Pero parang mas nilalamon ako ng takot.

Parang pinipisil ng takot ang puso ko.

Pero bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Isa lang ang sigurado ko, ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.

Wari ko’y pinaglalaruan mo ang damdamin ko.

Pinaglalaruan mo ata ako.

Hindi kita maintindihan.

Mahirap basahin ang mga ikinikilos mo.

Pero mas hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Bakit ba ako sobrang apektado?

May nararamdaman na ba ako para sa’yo?

Malinaw naman sa’kin lahat ng sinabi mo.

Pero bakit ayaw sumunod ng isip ko?

Pinaniniwala n’ya akong may pag-asa tayo.

At pa’no na lang ‘pag bumalik s’ya?

Ako’y isasantabi mo na naman, iiwan, at kalilimutan?

Kaya ko ba? Kung ngayon pa lang ganito na?

Ayokong sumugal.

Hindi ko kayang makipagsapalaran.

Ikaw ba ay dapat ko nang iwasan?

Ako’y masasaktan lang din naman.

Gasgas na ang kwento, mahuhulog ako, masasaktan.

Iiyak, maglalasing, at magpipilit makalimot.

Paulit ulit lang ang lahat.

Nakakasawa na rin naman.

Kailangan kong mag-isip, kailangan kong mamili.

Hahayaan ko bang umusbong ang damdaming pinipigilan?

O tatalikod na lang at ibabaon sa limot ang ating kasalukuyan?

Basta ang alam ko,  ngayong gabi, malungkot ako…

Advertisements

2 thoughts on “Ngayong gabi, malungkot ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s