0

HK Day 11: Disappointment

Late na naman ako nakatulog kagabi kakainternet sa lobby. Buti na nga lang nagloko yung connection kasi kung hindi, baka inumaga ako dun. Ayan tuloy sobrang antok ko ngayon. Hindi tumalab ang kape na ako mismo ang nagtimpla. Kaya walang lasa. Therefore, walang kick. Hahaha. Today’s breakfast is a Roast Pork Bun and Sausage Bun from Arome Bakery.

 

 

Lagi namin itong nadadaanan sa MTR station at kanina niyaya ko si L na dun na lang kami bumili ng breakfast since balak naman namin na sa office na kumain. Yung kapeng tinimpla ko, courtesy of the pantry yun. Hehe.

 

 

Yung roast pork bun parang siopao pero yung tinapay n’ya monay. Pero in fairness, malambot yung tinapay nila. Masarap naman din. Kaya lang parang bitin. Parang hangin lang kinain ko. Buti meron pa akong isa. Hehe.

 

Yung sausage bun, hindi ko alam ano yug green stuff sa taas. Hindi naman lasang basil. Hindi rin nori. Ang weird nung amoy. Pero wala naman s’yang matapang at kakaibang lasa.

 

May bagong project na namang binigay sa’kin. Ang kulit lang e, training pero real project ang ginagawa ko. Mukhang madali lang naman. Sana tama ako. I need to finish this by tomorrow.

 

Dahil busy kami pareho, sa CDC malapit sa office na lang kami naglunch ni L. Masaya naman ang mga inorder namin. Yung sakin parang halo-halo ang daming iba’t ibang ulam.

 

 

 

L got the baked chicken with mushroom and spinach rice. Ang sarap nito. Kaya inubos ko pati tira n’ya. Nakakahiya ang takaw ko. Pero bakit ba, masarap e. Hehehe. Eto s’ya oh:

 

 

Dahil busy kami, late na naman kami nakaalis sa office. Kawawa naman si B. More than 1 hour s’ya naghintay sa Sham Shui Po. When we got there, we decided to eat first bago maglibot. Parang McDo or CDC lang ang choice namin. Well, yun yung tanaw namin na familiar sa’min from where we were standing. CDC won. I got the combo of sirloin, tempura, sausage with soup and kamote fries.

 

 

The soup was bland. Nilagyan ko na ng asin pero wala pa rin lasa. Then I added some chilli oil at nag-improve naman s’ya ng konti. Malambot yung pork pero kulang pa rin sa lasa. The sausage was  typical. The tempura, akala ko shrimp lang pero parang may squid sa baba nung shrimp tapos nori ata. Hindi ko kinain yung kamote kasi ayoko nun. Yung red thingy, parang salsa. I added 2 packs of chilli oil para mas masarap.

 

After kumain, naglibot na kami. I was on the quest for a cheap 1TB portable external hard disk drive. The price range was HK$799-HK$950. At ang choice lang ay HP, WD, and Imation. Mura yung hindi portable. But of course, I prefer the portable one so I don’t need a power supply. I was expecting cheaper prices than these so in the end hindi rin ako bumili. I plan to check muna sa Pinas baka pareho lang naman o mas mura pa. I remember someone telling me kasi na may Php4,000 lang e. I will check tomorrow. Buti pa si B  at L, sila marami nabili. Hay.

0

HK Day 10: Early

Maaga kami gumising ngayon para maaga makapasok at maaga rin makauwi. Ngayon kasi ang dating ni B, ang boypren ni L. Aw buti pa s’ya may sumunod sa kanya dito. Hahaha. Wala naman kasi ako pasusunurin. Hahaha. McDo ulit ang breakfast today pero I ordered the Deluxe Breakfast this time. It’s their version of the Big Breakfast sa Pilipins. Pero parang kakaiba yung muffin nila. They have the grape jam which I loved. Matabang yung itlog kaya pala may kasamang salt and pepper yung mga knife at fork. Parang hindi nga ako nabusog e. Bitin. Bawi na lang ako sa lunch. Hehe.

 

 

Naiinis lang ako kasi hindi ako makapagsimula ng trabaho dahil iniwan ko kay Ada ang isang mahalagang bagay na kailangan ko para makapagtrabaho. Eff. So ayun petiks muna habang wala s’ya. When she arrived, work mode na. At seryoso talaga ako ha. Kailangan ko magpabibo. Nung lunch, sa APM na naman kami as usual. Dun kami umorder sa Pork Pan. I chose the Bacon and Cheese Roll with egg fried rice and garlic shoyu sauce.

 

 

When you slice the roll, the cheese oozes out. Masarap. Kala mo nga lang ang dami mo pagkain ‘pag tiningnan mo ‘to pero sa totoo lang onti lang yung kanin. Yung cabbage ang saksakan ng dami. Masarap sana s’ya e pero parang may after taste s’ya na lasang plastic. Si L nasarapan so I don’t know kung yung sa’kin lang yung ganun. Hahaha. Tapos akala ko pa patatas yung nasa tabi ng kamatis. Kamote pala! Ew. Yung shoyu sauce, parang hindi ko gusto. Hindi naman kasi lasang garlic. Ang weird lang.

 

Anyway, natapos ko na yung testing ko. Buti na lang natapos ako agad kasi usapan namin ni L aalis kami ng saktong 6pm. Ngayon kasi dating nung boyfriend n’ya so kawawa naman kung malelate kami. Good thing umayon talaga ang lahat kaya nakaalis naman kami ng sakto. Then we met B at the Tsing Yi station. We were supposed to drop our bags at the hotel then eat dinner and proceed to Sham Shui Po but then naisip namin na kumain na lang muna before going to the hotel. We went to my favorite Ajisen Ramen. I ordered the same Ramen I had on Saturday pero this time set meal kaya may kasamang ganito:

 

 

I forgot ano tawag sa kanya pero parang it’s chicken meat balls na may cheese sa taas. Masarap naman. My drink was Mirinda. Ayon busog na naman. Then tinamad na kami pumunta sa Sham Shui Po kaya umuwi na lang kami. Eto ako nasa lobby ulit. Yung 2 nagquality time na. Hihihi. 😉

0

HK Day 9: Late

Ang theme ay late kasi late na ako nagising! Puyat kasi kagabi. Past 7 na nung bumangon ako. Aabot pa sana kami sa shuttle ni L kung hindi lang kami naabutan na naman ng batalyon ng mga magchecheck out sa hotel. Pero in fairness to us, hindi kami masyadong na-late sa office. Sa HteaO na rin kami nag-breakfast. Ni-repeat ko lang ang breakfast ko kahapon, toasted bagel with cream cheese and coffee. Ang weird lang kasi raw sugar yung bingay tapos 2 packs na nilalagay ko pero walang tamis. Sobrang pait talaga. At ‘wag ka, wala pa ata 2 hours e inaantok na agad ako. Na-immune na ata ako sa kape. Hindi na training stuff pinagawa sa’kin ngayon. Meron nang totoong project. Nakaka-stress.

 

Dahil hindi masyadong malamig nung lumabas kami for lunch (umaaraw kasi), we decided to go to APM mall para dun kumain. Tinamaan ng magaling, nakakita ako ng boots! Kahit naghihingalo na allowance ko, binili ko pa rin. Minsan kasi lalung sumasakit paa ko sahil tumatagos sa sapatos yung lamig. Anyway, dun kami kumain sa Korean place. Ang inorder ko ay tokpoki na may noodles and beef. Ang anghang lang!

 

 

Parang sunog ang dila ko pagkatapos kumain kaya talagang inaya ko si L na bumili ng gatas sa 7-Eleven. Ayon medyo late na kami nakabalik sa office. And I think ito ang may kasalanan kaya nag-LBM ako! Ilang beses ako nagdeposit after nung lunch na ‘yon. Tsk.

 

Medyo na-late din kami ng uwi. Nag-dinner na naman kami sa Maritime Square. This time, sa KFC naman. I ordered 2-pc chicken with mushroom rice and crisscut fries.

 

 

 

 

Una, iba ang hot ‘n spicy nila dito. Hindi talaga s’ya spicy. Tapos yung gravy nila iba rin. Lasang gravy ng Jollibee yung nandito. Pero may mushroom s’ya. And wala pala talaga silang gravy per se. Potato sauce ang tawag ni kuya kasi yun yung nilalagay sa mashed potato. At ang mahal! HKD6 ang bayad.

 

After eating, umuwi kami agad. Tuwang tuwa kami kasi naisip namin, maaga kami umuwi so makakatulog ng maaga kasi balak namin na maagang pumasok. But here we are, nasa lobby pa rin kahit almost 12am na. Hahaha!

0

HK Day 8: Ho Hum

Medyo late kami nagising dahil sobrang pagod sa Macau at sa byahe pauwi kagabi. Muntik na naman kaming maiwan ng shuttle dahil sa mga batalyon na sumasakay ng elevator. Kawawa pa si L kanina talagang siniksik s’ya nung lalaking pangit. Oo pangit s’ya kasi hindi s’ya gentleman. Wala s’ya pakialam sa iba. Anyway, tinamad na ata si L na pumunta sa McDo or CDC kaya sa HteaO na lang ulit kami bumili ng breakfast. This time, ginaya ko order n’ya. I got the toasted bagel with cream cheese and coffee.

 

 

I love this, pero mas ok sana kung inabutan kong mainit yung bagel. At supposed to be pala, hot coffee ang order ko, Yung kay L din. Pero nalito ata si kuya ginawang iced yung sa kanya. Sabi ko ako palit na lang kami para hindi na hassle. Masarap din naman. Ewan ko nga lang kung may difference sa presyo ‘yon. Kung nalugi sila, sorry naman. It’s their fault anyway.

 

Iris invited us for lunch. Hindi ko alam anong name nung place kasi walang English translation. Si Iris na rin nagtranslate ng menu for us. Basta you have to choose anong isasama mo sa soup, mga wanton, etc. then pati noodles you can pick if thin or thick. I choose a combination of octopus meat (actually parang squid ball lang pala s’ya nung dumating) and wantons with thick noodles. Akala ko ang thick noodles yung parang miki. Mukha lang pala s’yang fettuccine.

 

 

Si L, octopus meat din pero ang kasama is fish tapos thin noodles ang pinili n’ya. Hindi ko nakita kung may fish ba talaga yung noodles n’ya kasi parang hindi halata sa pic.

 

 

May kasama pang boiled chinese petchay na parang may oyster sauce. I like this. Alam mong healthy kasi boiled lang. Kahit hindi na s’ya malutong, at least malambot naman kaya hindi mahirap kainin. And I was referring to the tangkay ha. Kasi sa taas yung leaves tapos sa ilalim nun yung body.

 

 

May inorder din si Iris na boiled kangkong naman tapos may kakaibang sauce sa taas. She made us taste it tapos nagulat at natuwa kami ni L kasi lasang buro ng Kapampangan! So nagorder din s’ya for us. Mas maalat lang s’ya kaya dapat hinay hinay sa pagkuha.

 

 

Medyo mukha s’yang kadiri pero promise masarap talaga. Or siguro kasi Kapampangan kami kaya okay sa’min ang lasa. Kahit ‘yan lang kinain namin, sobrang busog na busog talaga ako. Kaya ayun antok na antok kami pagbalik ng office. Tapos nung gabi, tinamad na kami mamasyal kasi pagod nga and all. Nagdinner na lang kami sa Maritime Square. We chose Pizza Hut. Wala lang. Okay sana pero ang tagal ng service. Anyway, parang group meal kinuha namin. Merong mushroom soup na onti lang ang mushrooms haha. Tapos parang hindi naman ganun kainit pero ang tagal dumating.

 

 

Meron din s’yang paltter na may kasamang breaded shrimps, chicken wings, then German sausauges. Ang sauce nila simpleng ketchup at mayonnaise lang kaya ang ginawa ko, pinaghalo ko sila at nilagyan ng paminta.

 

 

Ang sarap nung wings! Hindi spicy pero ang lambot tapos kakaiba yung lasa. After that, yung main course namin was pasta. The first one is Fettuccine with Chicken and Mushrooms in Carbonara Sauce. Kakaiba yugn pasta nila kasi parang mas malapad s’ya than the usual. As for the taste, iba pa rin talaga ang lasa ng luto ko. Malamang. Hahaha.

 

 

The other one was Seafood Spaghetti with Tomato Sicilian Soup. Parang wala s’yang lasa. Nilagyan ko na ng pepper ha. Medyo may something na kulang sa sauce.

 

 

And look at this cute creature. Baby octopus ba? Parang eh. Yung lasa nga lang n’ya medyo mapanghi. No, hindi pa ako nakakatikim ng ihi. Basta alam mo na ibig ko sabihin. ‘Wag ka na pilosopo. Tingnan mo na lang.

 

 

Oo na masama na ako kasi kinain ko s’ya. Duhr. 😐

 

 

0

HK Day 7: Fail

Gumising ako ng maaga para makagamit ng bathtub. Wala kasi nun sa Rambler. Hahaha. Pero masyado atang marami yung tubig ko kasi hindi bumula nung nilagyan ko ng bath gel. Pero sabi ni Lea kailangan ko raw itapat yung soap sa faucet para bumula. Para lang tuloy akong naglublob sa normal na tubig. Hahaha. First up, nagbreakfast kami sa McDo. Tinry ko yung Sausauge and Egg Twistee Pasta with cheese nila. Wala nito sa Pilipins e.

 

Parang walang lasa so nilagyan ko ng salt. The combination is a little off, pero it’s edible pa rin naman. Hindi naman masama ang lasa.

 

Then after eating, bumalik kami sa hotel para maghintay ng shuttle papuntang ferry terminal. We missed it by a minute. Fail. Anyway, while waiting, may nakilala kaming lola na sushal. Hahaha. Pinay naman. She was with her son, daughter-in-law, and 2 grandkids. Ang daldal ni lola. Nalaman ko pa tuloy na Kapampangan s’ya. At ang nakatira sila sa QC, sa may likod ng Sto. Domingo church at ang business n’ya ay Sans Rival sa Betis, Pampanga at may function hall daw sila sa QC and they do catering services. Yung trip daw nila na yun ay regalo nila sa kanilang mga sarili because they were very busy last Christmas. Nakwento rin pala n’ya yung package na kinuha nila sa Cirque de Soleil, at kung ano yung binili n’ya nung nag-shop s’ya. Oo ganun s’ya kadaldal. Pero nakakatuwa naman s’ya. Maybe one day puntahan ko yung shop n’ya ng Sans Rivalsa Betis. Sana lang s’ya lang yung mag-isang nagtitinda ng Sans Rival dun. Hahaha.

 

We got on the shuttle bus going to the ferry terminal and intended to walk to Fisherman’s Wharf. The problem was, hindi maalala ni L kung saan dapat ang way ng paglakad para makarating dun. So we spent a loooooooong time walkin’ around everywhere tryin’ to find the way. Finally, I saw this sort of pedestrian overpass and we thought na pwede namin subukang dun dumaan. So we did. At yun na pala ang tamang daan. Sa wakas, after 10 years ay nakarating din kami sa aming paroroonan. Dahil fail nga ang theme ng araw, hindi pa nagtatagal ay may failure nang naganap. Naglow-batt ang camera ni L. Pero may spare battery s’ya. So ok lang sana. But as it turns out, hindi naka-charge yung spare. So fail nga talaga. Eh dahil alam kong dala n’ya camera n’ya at may spare battery s’ya, hindi ko na dinala ang camera ko. Ayun nauwi kami sa camera phone ko. Buti na lang at fully charged s’ya. Imagine being in a place na kahit saan ay may picture opportunity tapos ang gamit mo lang ay 5MP camera phone. Not that bad, the resolution is still okay but still, iba pa rin kung gigicam talaga. Pero kahit ganun, picture galore pa rin kami.

 

After sumakit ng bongga ng paa ko kakalakad dun, we rode the shuttle bus of The Venetian. Eto na. Ito na yung nasa BOF na scene kung saan sinabi ni Jun Pyo na mantsa si Jan Di. I can’t believe I was finally standing sa spot kung saan tumayo si Jun Pyo. I’m not sure it’s the exact same spot pero still, dun yun sa lugar na yun. Tuwang tuwa talaga ako sa lugar. Ang ganda ganda. Sobrang surreal. Shempre, picture galore na naman ako. We had lunch there na rin. Late lunch na. We settled for this Singaporean place na ang crew ay mga Pinoy. Well, Hainan Chicken Rice lang din naman inorder namin pareho. Haha.

 

 

At natuwa ako meron sila nung Schweppes Cream Soda! I remember gustong gusto ko ‘to nung Nasa HK ako in 2008. So I ordered it for the nostalgia.

 

 

Si L nagshopping sa Mango at Zara. Ang mura! Pero pigil ako. Ayoko mag-shop. Though I must admit medyo nagsisi ako at hindi ko nabili yung boots sa Zara. Though feeling ko hindi talaga s’ya maganda ‘pag hindi naka-pants. Yun na lang iniisip ko para mawala ang pagsisisi. Nanghihinayang din ako na hindi kami sumakay sa gondola. Pero mahal din kasi. HK$ 168 ata, or something like that. Basta 100+. Pero nakakatuwa sobrang ganda ng boses nung mga driver(?) ng gondola. Nakakapangilabot. Naku, kung may time lang sana, nagtagal pa kami dun. Tumawid na kami goin’ to City Of Dreams para manood ng Bubble Show. Libre lang pala s’ya. So after getting tickets, we got time to kill pa since 5:30 pa yung time naming. Umupo muna kami sa food court at uminom ng Taiwanese Bubble Tea.

 

Nagkwentuhan muna kami ni L at kinwento n’ya ang love story nila ni B. Kinilig ako. I wish I had a similar love story. Pero wala. Ayoko na isipin. Hahaha.

 

Anyway, akala ko ang bubble show ay show na may bubbles. As in yung bubbles na nagagawa using water na may soapy substance. Haha loser. Ito pala ay parang light and sound show in a theater na paikot. Ang kewl. Naaliw ako. Gusto ko lang magreklamo dun sa parang “show”/pampalipas oras habang nakapila. Yung 2 lalaki na nageentertain Chinese ang salita. So OP kami. Sana naisipan nilang marami ring tourist na hindi Chinese. Anyway, may souvenir photo nga pala na kinukunan before pumila then nilalagay nila sa snow globe, magnet, key chain, at photo holder na pwede mong bilhin after the show. Binili naming ni L. Naaliw kasi s’ya sa snow globe. After that, bumalik na kami sa Macau City para magpapicture ako sa St. Paul ruins at para mamili ng pasalubong.

 

On the way back to the hotel, naalala ko yung pinakain sa’kin dati ni C na parang squid ball pero square na may cheese sa loob na nabili raw nila sa Macau. Buti na lang yung dinaanan namin ni L ay isang hilera ng nagtitinda ng mga kung ano anong tusok tusok food. Kaya tinanong ko yung babae kung alin dun yung may cheese sa loob. Nung square yung tinuro n’ya, alam ko na. Yun na yun. So umorder ako ng isang stick para matikman at makasiguro. Nilalagyan pala ng curry sauce. Ang sarap. Kaya umorder ako ng marami para kainin namin ni L.

 

 

Natuwa naman ako na nagustuhan n’ya at nasarapan naman s’ya. So ako na ang expert sa pagkain. Hahaha! Kaya ako nasisisi na tumataba s’ya dahil sa’kin. Haha!

 

Then balik na kami HK. Nakakapagod. Ang dami pa naming dala. Tulog kami pareho sa ferry. When we got to HK, akala namin wala na kami makakainan. Buti na lang bukas pa yung McDo. Thank God. Ayun nakakain naman kami. Ang inorder ko ay McChicken.

 

Iba s’ya sa McChicken sa Pinas. This one was like the Zinger na crispy at medyo spicy. Mas maliit s’ya sa Zinger though. Pero masarap pa rin. I went to sleep with a smile on face and numerous blisters on my feet. But what the heck, I was happy. 😀